๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐’๐ญ๐š๐ญ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐Ÿ๐ซ๐จ๐ฆ ๐Œ๐ซ. ๐ƒ๐š๐ง๐ข๐ž๐ฅ ๐„๐๐ฐ๐š๐ซ๐ ๐ƒ๐š๐ง๐ญ๐š ๐†๐š๐ซ๐ข๐š๐ง๐๐จ, ๐ญ๐ก๐ž ๐Ÿ•๐ญ๐ก ๐๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง๐š๐ฅ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐๐ซ๐ž๐ฌ๐ข๐๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‰๐ฎ๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐“๐จ๐ฎ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ ๐š๐ง๐ ๐‡๐จ๐ฌ๐ฉ๐ข๐ญ๐š๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐Œ๐š๐ง๐š๐ ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐€๐ฌ๐ฌ๐จ๐œ๐ข๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐๐ก๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ฉ๐ข๐ง๐ž๐ฌ.

Isang Maalab at Mapagpalang Araw po sa inyong lahat!

Ako po si Daniel Edward Danta Gariando isang second year, Tourism Management student mula sa National University Dasmarinas at ang nahalal na ika-pitong National Executive President ng Junior Tourism and Hospitality Management Association of the Philippines.

Una po sa lahat, nais kong magpasalamat sa lahat ng aking mga nakasama sa nakaraang HALALAN 2025 na ginanap sa Student Union Building, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Lubos din po akong nagpapasalamat sa aking mga magulang at pamilya, sa aking mga kasamahan sa NU Dasmariรฑas Student Government, sa NU Dasmariรฑas, partikular sa aming Dean, Program Chair, mga guro, at sa aking mga kapwa mag-aaral, gayundin po sa lahat ng aking mga kaibigan at mga nakasama na walang sawang nagbibigay ng suporta.

Itong aking pag kakahalal sa organisasyon ng JTHMAP ay isa sa aking mga bagay na hindi inaakala dahil nag simula lamang po ay isa ako sa mga Litratista sa Lakbay, isang komite ng mga Mamamahayag ng JTHMAP. Noong una palamang ay nangangamba na akong lumahok sa Halalan dahil alam kong mabigat ang responsibilidad ng pagkakaroon ng Nasyonal Na organisasyon pero naniwala ako sa sarili ko noong mga panahon na iyon pero aking natandaan na kung para sayo ang isang bagay ay naka tadhana talaga ito para sayo.

Sa pagkatapos ng Halalan ay nagsimula na din ang aming administrasyon sa mga pagkilos sa organisasyon sa mga pag gawa ng repository, Pagkakaroon ng inisyatibo para sa turn over sa ibaโ€™t ibang mga opisina sa organisasyon, pag kakaron ng mga pag pupulong sa birtuwal na espasyo, pag hahanap ng mga apprentices kada opisina at marami pang iba. Sa ngayon ayan palamang ang aming mga unang hakbang sa pagdating ng Ika-pitong Administrasyon ng JTHMAP.

Itong pagkakaluklok sa akin bilang Presidente ay isang bagay na labis kong pinasasalamatan, at aking paghuhusayan kasama ang iba pang mga lider-estudyante sa buong Pilipinas. Naniniwala ako na ang tunay na liderato ay nasusukat sa tapat na paglilingkod at pagiging tapat sa buong organisasyon at lalo na sa ating Industriya.

Aking tatapusin ang pahayag na ito sa aking pinanghahawakan na kataga, Lagiโ€™t lagi para sa Estudyante at Bayan! Serve the People.

#JTHMAPHALALAN2025

#JUANDERCON2025

#ELEVA7INGEXPERIENCESJTHMAP

#JTHMAP2526

#JTHMAPBetterTogetherAsOne

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *